FAKE ROAD-RIGHT-TO-WAY SCAM | Iba pang sangkot, sinisilip na rin ng DOJ

Manila, Philippines – Sinisilip na rin ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na may iba pang lugar sa Mindanao ang inoperate ng sindikatong sangkot sa halos siyam na bilyong pisong fake road-right-to-way scam sa General Santos City.

Ayon kay Justice secretary Vitaliano Aguirre, tinatrabaho na ng NBI ang pangangalap ng mga impormasyon hinggil sa lawak ng operasyon ng sindikatong kinasasangkutan nina dating Public Works secretary Rogelio Singson at dating Budget secretary Florencio Abad.

Sinabi ni Aguirre na sa bilis ng pagpapalabas ng pondo ng Budget Department noong panahon ni Abad, tiyak aniyang hindi lamang sa General Santos City nakapag-operate ang grupo.


May kutob si Aguirre na may iba pang lugar sa Mindanao ang inoperate nina Abad at Singson kaugnay ng pekeng road-right-of-way.

Una na ring umapela si Aguirre sa iba pang may nalalaman sa operasyon ng grupo na lumantad at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Facebook Comments