“Fake vaccination” sa Makati, nais lamang palakihin ng ilan – Galvez

Magsasagawa ang National Task Force against COVID-19 (NTF) ng imbestigasyon para kumpirmahin ang viral video kung saan isang healthcare worker ang bigong iturok ang nilalaman ng hiringilya sa COVID-19 vaccination event sa Makati City.

Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakita na niya nag viral video at ang kanyang inisyal na reaksyon ay nais lamang ng ilan na gawing kontrobersiya ito para sa nagpapatuloy na immunization campaign ng pamahalaan.

“Sa ngayon, ang tagal na natin nagva-vaccinate wala tayong instances na ganyan. Nakita natin ang mga nagva-viral na iyan noon pa eh. I think somebody wants to stir up a controversy against the on-going national vaccination program,” ani Galvez.


Aalamin nila kung authentic ang video dahil may ilang video na galing sa ibang bansa.

Una nang kinumpirma ni Makati Mayor Abigail Binay ang authenticity ng video.

Facebook Comments