#FalconPH lumakas pa; magiging typhoon mamayang gabi o bukas ng umaga – PAGASA

Lumakas pa ang Bagyong Falcon habang kumikilos patungong hilagang bahagi ng karagatan ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layoong 1,170 kilometro silangan ng extreme northern luzon.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110km/h malapit sa gitna at pagbugsong nasa 135km/h.


Inaasahang magtutuloy-tuloy ang pagkilos ng bagyo pahilaga-hilagang kanlurang bahagi ng bansa ngayong araw bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o sa Martes ng umaga.

Pero kahit hindi direktang tatama at papalabas na ng bansa ay inaasahang lalakas pa ito sa susunod na tatlong araw.

Facebook Comments