FALSE ALARM | 500 na estudyante, nag-panic sa Melbourne, Australia

Melbourne, Australia – Nag-panic ang nasa 500 estudyante matapos maka-amoy ng durian na inakala ay chemical gas sa isang unibersidad sa Melbourne, Australia.

Ayon sa Metropolitan Fire Brigade ng Melbourne, isang durian na malapit nang masira lang ang naamoy ng mga estudyante.

Mabilis umanong kumalat ang mabahong amoy dahil sa aircon.


Pero lumabas din sa kanilang imbestigasyon na mayroong nakaimbak na mapanganib na kemikal sa silid-aklatan.

Sa ngayon, balik na ang normal na operasyon ng unibersidad.

Facebook Comments