FALSE ALARM | Baby post ng mga kaibigan ni Ellen Adarna, nagdulot ng kalituhan sa mga netizen

Manila, Philippines – Nitong weekend nang kumalat ang bali-balitang nanganak na raw si Ellen Adarna.

Kasunod ito ng mga nai-post na larawan ng isang bagong silang na sanggol ng mga kaibigan ni Ellen sa social media.

Pero sa pakikipag-ugnayan ng isang online entertainment portal sa isa sa mga kaibigan ng sexy actress, sinabi nitong anak ng kanyang kapatid ang baby at hindi nina Ellen at John Lloyd.


Huling namataan ng publiko ang dalawa noong June 16 sa isang ospital sa Cebu kung saan daw nagpa-check up si Ellen.

Samantala, noong Linggo rin nang tahimik lang na nag-celebrate ng kanyang 35th birthday si John Lloyd sa Cebu.

Facebook Comments