Quezon City – Isang bag, nagdulot ng takot sa isang Barangay sa Quezon City.
Agad naparesponde ang mga tauhan ng bomb squad ng Quezon City kasunod ng tawag ng isang residente mula sa Barangay Bahay Toro, Quezon City kagabi.
Isang bag kasi ang natagpuan sa tapat kanilang bahay partikular sa number 20 Cadera De Amor Street Sitio Militar at inakalang may lamang pampasabog.
Ayon kay Ricardo Dacunas alas siete ng gabi ng mapansin ang isang kahina-hinalang bag.
Agad siyang tumawag sa mga otoridad at nang tignan ito ng bomb squad mga damit at bag ang laman ng naiwang medyo malaking bag.
Hinala ng mga residente pag mamay-ari ito ng ilang katutubo na nag babahay-bahay na namamasko at naiwan ang nasabing bag
Samantala, kapansin-pansin ang ilang mga pulis sa Quezon City na rumoronda sa lungsod, ito ay para masiguro na maging maayos ang sitwasyon lalo at ilang araw nalang ay Bagong Taon na.