FALSE ALARM | Kahina-hinalang kahon nagdulot ng takot sa Maynila

Manila, Philippines – Nagdulot ng alarma ang isang kahina-hinalang kahon na iniwan sa bahagi ng Limay Street corner Hermosa Street Barangay 201 Zone 18, Tondo, Maynila pasado alas 8:00 umaga ng Martes.

Napasugod sa lugar ang elemento ng Manila Police Station-7 sa pangunguna ni Deputy Commander, Police Chief Inspector Roy Juan Padro kasama ang operatiba ng explosive ordinance division ng MPD.

Subalit nang siyasatin ang kahon ng karton ay naglalaman pala ng mga damit at wala namang pampasabog.


Hinala ng mga otoridad, posibleng naiwan lamang ang kahon at wala namang intensiyong takutin ang publiko.

Facebook Comments