FALSE ALARM | Klase sa Urdaneta City National High School, sinuspinde dahil sa bomb threat

Urdaneta City – Nang dahil sa bomb threat, sinuspinde ang klase sa Urdaneta City National High School.

Sa ulat, ini-report sa security ng ilang estudyante ang nakita daw nilang bomba sa third floor.

Agad itong pinuntahan at nakita ang isang maliit na kahon na mayroong cellphone sa ibabaw sa silong ng lababo sa isang banyo sa third floor ng gusali kung saan may nakasulat na may bomba rin sa principals room.


Nang galugarin naman ang principals room ay walang nakitang anumang bomba.

Ang kahon na naglalaman daw ng bomba ay agad ding itinurn-over sa PNP at nang buksan ay napag-alaman na mga papel at malilit na bato ang laman nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente upang malaman ang nasa likod ng pananakot na ito.

Facebook Comments