Falsification sa death certificate ng mga biktima ng war on drugs, iniimbestigahan na ng NBI

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kaso ng maling impormasyon sa mga death certificate ng biktima ng war on drugs.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng desisyon ng Court of Appeals (CA) kamakailan na nag-uutos sa local civil registry ng Caloocan City na itama ang sanhi ng pagkamatay ng siyam na taong gulang na bata na si Lenin Baylon na natamaan ng ligaw na bala sa isang drug war police operation noong 2016.

Nakasaad kasi sa death certificate ni Baylon na “bronchopneumonia” ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan.


Malayo ito sa apela na nakita sa mga ebidensya kabilang ang isang deklarasyon mula sa medico-legal na ang bata ay namatay dahil sa insidente ng pamamaril.

Paliwanag ni Remulla na ang kasong ito at iba pang drug war cases, ay posi mbleng “falsification” na tinitingnan na ng NBI.

Facebook Comments