Family driver na sumaksak sa dating amo nito sa New Manila, Quezon City – pinaghahanap pa rin ng pulisya

Quezon City – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na dating family river na sumaksak sa dating amo at pinsan nito sa New Manila, Quezon City.

Base sa kuha ng CCTV, inakyat ng suspek ang gate ng biktima.

Tumagal ng dalawang oras sang suspek sa loob at doon na nagkagulo’t pinagsasaksak ang dalawng biktima.


Patay ang 51 anyos na biktima na si Fermine Pacifico at sugatan ang 71 anyos na lalaki may- ari ng bahay.

Ayon sa biktima, nakilala niya ito ng matanggal ang bonet dahil sa pagkapalo niya ng baston sa ulo ng supek.

Ayonkay S/Insp. Elmer Monsalve, plano ng suspek na magnakaw, kaya lang nagkataon na may gising sa bahay na kilala siya kaya para matago ang krimen ay sinaksak niya hanggang sa mapatay niya ang isa.

Katarungan ang hiling ng pamilya ag biktima at handa silang magbigay ng reward sa makakapagturo suspek.

Panawagan ng pulisya, na baka mag-apply nanaman itong family driver kaya naglabas ng larawan ang mga ito sa publiko.

Nakaabang na ang kaso sa suspek na robbery homicide.

Facebook Comments