Family food packs na ipinamamahagi ng DSWD tuwing may kalamidad, planong dagdagan ng mga gulay

Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dagdagan ng ibang items ang ipinamamahagi nila na family food packs tuwing may kalamidad at kapag nagsasagawa ng relief operation.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, iminungkahi kasi ni National Nutrition Council (NNC) Executive Director Dr. Azucena Dayanghirang na lagyan din ng mga gulay ang naturang family food packs na ipinamimigay para hindi puro sardinas at iba pang canned goods ang nakakain ng mga biktima ng kalamidad.

Ilan lamang aniya sa mga imungkahi na ilagay sa family food packs ay mushroom o kabute at iba pang gulay na nakalagay sa bote o lata.


Sinabi ni Tulfo na pag-aaralan nila ang mungkahi na ito at magsasagawa ng mga pagpupulong hinggil dito.

Ang plano na ito ng DSWD ay bilang pagtugon na rin sa inulat ng NNC na maraming mga Pilipino ang malnutrish dahil hindi nakakakain ng tama at masustansiyang pagkain na resulta na rin ng nararanasang kahirapan dulot ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Facebook Comments