Family gatherings, parties, dapat iwasan ngayong Christmas season – OCTA

Nagbabala ang OCTA Research Team sa publiko laban sa pagsasagawa ng parties at iba pang social gatherings ngayong Christmas season para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa huling monitoring report ng OCTA, dapat iwasan ang mga matataong lugar at malalaking pagtitipon o piging.

Sa North America at Europe ay nagkakaroon ng ‘second wave’ ng COVID-19 dahil sa mass gatherings lalo na sa mga bahay.


Inirekomenda pa rin ng research group sa pamahalaan na panatilihin ang kasalukuyang limit na 10 tao lamang kada gathering, lalo na sa National Capital Region (NCR) na episentro pa rin ng COVID-19 outbreak sa bansa.

Mahalagang iwasan din ang office parties at iba pang social events ngayong holiday season.

Ang family gatherings ay dapat limitado lamang at isinasagawa sa labas ng bahay para maiwasan ang hawaan ng virus.

Para sa pribadong sektor, dapat mayroong safe workplaces na mayroong testing, pagsunod sa minimum health standards, at epektibong contact tracing.

Facebook Comments