Family health card para sa pamilya Pilipino, isinusulong ni Senatorial Candidate Atty. Alex Lacson

Isinusulong ngayon ni Senatorial Candidate Atty. Alex Lacson ang pagbibigay ng family health card insurance para sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sa interview ng RMN News Nationwide, binigyang-diin ni Atty. Lacson na maraming mahihirap na pamilyang Pilipino ang mas nahihirapan ngayong pandemya na magpa-ospital dahil sa kakapusan sa salaping pambayad.

Bilang nagsusulong sa pangangailangan ng isang ordinaryong pamilya sa bansa tulad ng kanyang pinanggalingan, batid ni Lacson na hindi sapat ang nakukuhang financial assistance ng mga mahihirap mula sa PhilHealth.


Giit nito, dapat ay i-institutionalized ang pagbibigay ng family health card na may lamang 100,000-pesos kada taon upang makatulong sa mga pamilyang Pilipino.

Si Atty. Lacson ay tumatakbong senador sa ilalim ng Kapatiran Party at tropang Leni Robredo-Kiko Pangilinan.

Facebook Comments