‘Family living wage’ sa NCR, tumaas pa –IBON Foundation

Tumaas pa ang family living wage o sahod na kakailanganin kada araw ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay ng disente sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa pagtataya ng economic think tank na IBON Foundation, nasa P1,072 kada araw ang kailangang family living wage na katumbas ng P25,252 kada buwan kung saan lalo pa itong lumayo sa kasalukuyang minimum wage sa NCR na P500 hanggang P537.

Kabilang sa mga ikinonsiderang arawang gastusin ay ang pagkain, renta sa bahay, tubig, kuryente, gas, transportasyon, edukasyon, at ipon.


Sa kasalukuyan ang NCR ang may pinakamataas na minimum na pasahod sa buong Pilipinas.

Facebook Comments