Family picture nina Patrick Garcia kasama sina Jennelyn Mercado at Dennis Trillo – ikinatuwa ng netizens

Manila, Philippines – Pinuri ng mga netizen ang masayang family picture na ipinost ng asawa ni Patrick Garcia na si Nikka sa kanyang instragram account.

May cauption na “Hi” at heart symbol, makikita sa larawan si Pactrick, si Nikka at ang dalawang anak nilang babae, kasama ang aktress na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Nasa gitna ang anak ni Jennylyn kay Patrick na si Alex Jazz.


Ang nasabing picture ay nakakuha ng 14,000 “like” at isang daang komento.

Marami rin netizens ang natuwa sa pagiging mature ng mga ito at isinantabi ang kanilang mga pagkakaiba para sa mga bata.

Si Nikka at Patrick ay masaya na sa buhay may-asawa habang magjowa naman ngayon sina Jennylyn at Dennis.

Facebook Comments