Family planning users, tumaas – POPCOM

Kinikilala ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang mga hakbang ng national at local agencies kasabay ng pagdami ng Pamilyang Pilipinong gumagamit ng family planning progam.

Batay sa report ng POPCOM sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law.

Ayon kay POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez, napatunayan lamang na ang Responsible Parenthood at Family Planning program ay may kakayahang doblehin ang bilang ng kasalukuyang modern family planning users.


Mula sa 3.9 million family planning users noong 2012 ay umabot na ito sa 7.7 million sa katapusan ng 2019, o nasa 97% ang pagtaas.

Ang adolescent teenage birthrate ay nasa 57 per thousand noong 2013 ay bumaba na ito ng 47% per thousand noong 2017.

Binanggit din ni Perez ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang five-year total fertility rate (TRF) mula 2015 hanggang 2020 ay nananatili sa 2.5%, kaya nananatiling tinatahak ng bansa ang 2.1 o 2.2% pagsapit ng 2025.

Facebook Comments