Bago pa man ang Good Morning America Summer concert ng K-Pop group na Bangtan Sonyeondan o BTS sa New York City, kahapon, maraming fans ang maagang nag-camp out sa Central Park, para makakuha ng magandang pwesto.
Ayon sa ulat ng ABC7, Martes pa lang noong nakaraang linggo ay nagsimula na ang mahabang pila para sa first-come, first-served na event na ito.
Kaugnay nito, naglabas pa ng ilang paalala ang New York Police Department (NYCPD) 19th District sa kanilang Twitter noong Biyernes.
Trust us we’re just as excited as you are about the #BTS (방탄소년단) @bts_bighit concert @SummerStage next Wednesday, but…
For your safety, camping in the concrete jungle is not permitted. Please don’t pitch tents ⛺️ in or outside #CentralPark. #NYC #BTSarmy pic.twitter.com/g2feQF1TX0
— NYPD 19th Precinct 💜 (@NYPD19Pct) May 10, 2019
Umabot sa Fifth Avenue ang pila ng mga Army na nagtiis sa malamig at maulang panahon.
Tinatayang 4,000 ang nanood ng libreng concert ng kauna-unahang Korean act na nag number one sa US Billboard 200 chart.