Fans ng mag-asawang Chito at Neri Miranda, naalarma sa cryptic post ng dalawa

452

Usap-usapan ngayon ng fans ang cryptic post ng mag-asawang Chito at Neri Miranda kaugnay sa usapin ng failed relationship.

Magkahiwalay kasing nagpost sa kani-kaniyang social media ang mag-asawa kung saan isang imahe ng broken heart ang ipinost ni Chito habang isang bleak window glass ang kay Neri.


Isinulat ng Parokya Ni Edgar frontman ang caption na “Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat… pero bakit parang hindi na tulad ng dati? “bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin.”

Habang sinabi naman ni Neri na “minsan napapaisip ka… kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. may kulang pa ba?”

Ang post ng dalawa ay ikinaalarma ng fans dahil tila nagpapahiwatig ito na hindi maganda ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Facebook Comments