Fans ni dub smash queen Maine Mendoza, ikinagulat ang pag-deactivate nito ng kaniyang twitter account

Manila, Philippines – Ikinagulat ng fans ng dub smash queen na si Maine Mendoza ang biglaang pag-dedeactivate nito ng twitter account.

Marami ang nalungkot na fans dahil kilalang active ang aktres sa social media lalo na sa kanyang twitter na may 4.5 million followers na.

Napag-alaman na ang huling tweet ni Maine bago ito mag-deactivate ay tungkol sa ilang fans niyang tila nagiging overprotective na sa love team nila ng pambansang bae na si Alden Richards.


Kabilang sa mga artistang nakatanggap ng mga pam-babash mula sa ilang aldub fans ay sina Julie Anne San Jose, Thea Tolentino, Koreen Medina, at kamakailan lang ay ang komedyanteng si Sef Cadayona na nakitaan ng pagiging malapit kay Maine.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng comedian actor na si Dennis Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatalaga nito bilang isa sa mga bagong board member ng mtrcb.

Kasama rin nito sa oath taking bilang mga bagong opisyal ng MTRCB sina Gloria Sevilla at Teresita Villarama.

DZXL558

Facebook Comments