FAPSA, nagpaliwanag tungkol sa pasukan ng klase sa Hunyo

Nilinaw ng grupong Federation of Associations of Private Schools Administrators (FAPSA) na ang pagbubukas ng klase sa Hunyo ay isang opsyon lamang ng mga Private Schools na nais magsagawa ng “Online Classes”.

Ang pahayag ay ginawa ng FAPSA kasunod ng mga komento ng mga magulang na masyado umano ganid sa kita ang naturang mga Pribadong Paaralan.

Ayon kay FAPSA President Eleazardo Kasilag humihingi siya ng paumanhin sa mga Stakeholders kung silay  nasaktan sa kanyang mga pahayag  kung saan nilinaw nito na maging buwan ng Hunyo o Septyembre man ang pasukan sa klase ay isa lamang umano itong opsyon ng grupo.


Paliwanag pa ni kasilag na mayroon nga umanong nagsasabi na ang  Disyembre ang mas mainam na buwan na pasukan ng klase hanggat wala pang bakuna na naiimbento laban sa COVID-19.

Giit ng grupo ikinukonsidera  nila ang araw ng gruaduation kung saan hinihingi ng  Department of Education (DepEd) ng 180 hanggang  200 araw ng contact days, gayong ang pasukan ay hindi akma sa mga estudyante ang  mainit na panahon lalo na kung binibigyan nila ng  52 na Sabado  na pumasok ang mga estudaynte dahil sa kanilang karanasan  na 10 hanggang  20 porsyento ang lumiliban sa klase tuwing Sabado.

Facebook Comments