FAPSA, umapela sa mga mambabatas na bumalangkas ng Bureau of Private Schools para tutukan ang problema ng Private Educational Institutions sa bansa

Umapela ang Federation of Associations of Private School Administrators (FAPSA) sa mga Kongresista at Senador na bumalangkas ng batas upang tugunan ng pangmatagalan ang problema ng private school community.

Ayon kay FAPSA President Eleazardo Kasilag, ang COVID-19 pandemic ay nagbukas sa publiko upang resolbahin ang matagal nang kahilingan ng private school administrators na lumikha ng Bureau of Private Schools na nasimulan ng ng Kongreso ang public hearing noong October 9, 2013 ngunit mistulang parang bulang naglaho.

Paliwanag ni Kasilag, mistulang binalewala ng mga pinuno ng gobyerno ang kanilang mga hinaing kung saan ang mga pribadong paaralan ay naghihirap na kung ang pag-uusapan ay ang mga benipisyo.


Dagdag pa ni Kasilag na hindi na maganda ang edukasyon sa bansa dahil marami na umano ang hindi na naniniwala sa resulta ng National Achievement Test dahil sa umano’y talamak na dayaan batay na rin umano sa ibinulgar ng Alliance of Concerned Teachers.

Giit ni Kasilag, ang kalidad ng edukasyon ay lalong lumala pa at kahit ilang mga Grade 5 student ay nahihirapan nang magbasa sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Facebook Comments