Manila, Philippines – Kinalampag ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang gobyerno na bantayan ang singil sa Grab-Uber.
Pinatitiyak ni Castelo na hindi maaagrabyado ang mga pasahero sa monopolya ng Grab sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Dahil sa pangamba na abusuhin ang mga pasahero, pinakukuha ng kongresista sa LTFRB ang written commitment ng Grab na hindi ito basta-basta magtataas ng pasahe lalo na kung peak hours.
Ito ay kahit wala na itong kakumpetensiya sa TNVS matapos na bilhin ang operasyon ng Uber sa buong Southeast Asia.
Hindi maiwasan ni Castelo na mangamba dito dahil marami na anyang masamang karanasan ang mga Pinoy sa sistema ng monopolya ng mga negosyo.
Dapat aniyang agapan ang malalang sitwasyon para maprotektahan ang publiko sa posibilidad ng fare fixing.