Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng provisional fare hike sa mga jeep at bus.
Kabilang sa kanilang tinitingnan ay ang pagbibigay ng dagdag na pisong provisional fare increase sa jeep kung saan magiging 10 pesos na ang magiging minimum fare.
Mas maliit ito sa hiling ng mga tsuper na 12 pesos na minimum fare.
11 pesos naman ang inihihirit na minimum fare sa mga non-air-conditioned bus.
Naglatag naman ang alternatibong suhestyon ang National Economic and Development Authority (NEDA), ₱0.50 ang iminumungkahing dagdag sa pasahe sa jeep at piso sa ordinary bus.
Ayon sa NEDA – kung ibibigay ng LTFRB ang hinihinging taas-pasahe ng mga jeep at bus mula Oktubre ay may epekto sa annual inflation ngayong taon at sa susunod na taon.
Direkta ang magiging epekto nito sa cost of living o gastusin, maging sa presyo ng mga produkto at serbisyo.
Kailangang mag-ingat sa anumang makapagtataas pa sa presyo ng mga bilihin dahil makasasama ito sa inflation management at sa ekonomiya sa pangkalahatan.