Fare increase, posibleng maramdaman kapag naisabatas ang tax reform bill

Manila, Philippines – Aminado ang pamahalaan na talagang maaapektuhan ang presyo ng pamasahe sakaling maisabatas ang tax reform bill na siyang magdaragdag ng excise tax sa produktong petrolyo, mga bagong sasakyan at iba pang produkto.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Socio Economic Adviser Secretary Ernesto Pernia na posbileng magkaroon ng pagtaas ng presyo sa pasahe, pero magkakaroon naman ng direktang subsidies sa mga maaapektuhan nito na posibleng idaan sa Department of Social Welfare and Development.

Sa kabila nito ay umaasa si Pernia na makapapasa sa kongreso ang tax reform bill lalo pa’t sinertipikahan itong urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Una nang sinabi ng kalihim na mahihirapang pondohan ng pamahalaan ang malalaki at maraming infrastructure projects ng pamahalaan sakaling hindi maipasa ang nasabing panukala.

DZXL558

Facebook Comments