Pinapa-update ng Kamara ang fare-setting sa mga Public Utility Vehicles o PUVs.
Isinusulong ni 1-CARE Partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta na i-update na ang PUV fare-setting o ang batayan sa binabayarang pamasahe ng mga commuters.
Tinukoy ng kongresista na 1964 pa ang PUV fare system kaya napapanahon na para palitan ito.
Inirekomenda ng kongresista na itulad sa mga airlines ang fare-setting policy ng PUVs kung saan nakikita ang detalye ng binabayaran ng mga pasahero.
Naniniwala ang mambabatas na efficient, effective at transparent kung gagawin din sa mga PUVs ang airline fare-setting.
Iminungkahi din ni Uybarreta ang pag-overhaul sa Charter ng LTFRB upang maisaayos ang pagtatakda ng pamasahe at PUV franchises.
Facebook Comments