Manila, Philippines – Gagastos ang Grab Philippines ng 100 milyong piso kada buwan para sa fare-subsidy scheme.
Ayon kay Grab Country Head Brian Cu, layunin nitong madagdagan ang kita ng mga driver lalo at suspendido pa rin ang 2 pesos per minute travel time charge.
Hihikayatin aniya rin ang mga driver na dagdagan ang kanilang mga trip para makapagserbisyo pa ng maraming pasahero kasabay ng mataas na demand sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Nabatid na umapela na ang Grab sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang 2 pesos charge para sa kapakanan ng mga driver.
Facebook Comments