Farhana Maute, binigyan ng pagkakataon na makita ang bangkay ng asawa bago ilibing

Manila, Philippines – Sa huling pagkakataon bago inihatid kagabi sa huling hantungan si Cayamora Maute, ang tatay ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na itinuturong mga lider ng teroristang grupong umatake sa Marawi City, binigyan ng sapat na panahon ang byuda nitong si Farhana para sumilip at magpaalam sa mga labi nito.

Ayon kay Bureau of Jail Management & Penology Spox Sr/Insp Xavier Solda, matapos isugod sa ospital si Cayamora at ideklarang patay, ibinalik nila sa Camp Bagong Diwa ang mga labi nito para masulyapan manlang ng kanyang may bahay.

Sinabi pa ni Solda na kahit mahirap ang seguridad sa Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa, pinagbigyan pa rin nilang makita ni Farhana ang mga labi ni Cayamora bilang pagpapakita ng pakikisimpatya at pakikiramay.


Naging emosyunal din aniya ito nang magpaalam kay Cayamora.

Si Cayamora ay nagawa pang maisugod kahapon sa ospital matapos mahirapan sa paghinga.

Tumaas din umano ang blood pressure nito.

Nuon pa man ayon kay Solda, iniinda na ni Cayamora ang mga sakit nitong diabetes, hepatitis, at hypertension.

Facebook Comments