Farm Caretaker, Inaresto matapos mag amok sa Grupo ng mga Brgy. Tanod

104

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos itong mag amok bandang 6:45 ngayong gabi sa Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Antonio Gunday, 46 anyos, may asawa, farm caretaker at residente ng Brgy. Mallangao, Tinglayan, Kalinga.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Fresiel Dela Cruz, Hepe ng PNP Quezon, nakatanggap ng isang tawag ang mga otoridad mula sa isang barangay tanod na nagngangalang Rechie Benganio na isang lalaki umano ang armado ng baril na nag amok sa grupo ng nasabing tanod sa naturang lugar.

Ayon pa kay P/Capt. Dela Cruz, nakainom ang nasabing suspek nang mangyari ang insidente.

Boluntaryo namang isinuko ng suspek ang kanyang sarili maging ang hawak nitong caliber 22 na baril at patuloy pang inaalam kung ito ay lisensyado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act .

Facebook Comments