Farm Commodities Trading Board, inirekomendang paganahin ngayong may COVID-19

Hinikayat ni Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero ang Philippine Stocks Exchange at Department of Agriculture na paganahin ang isang Farm Commodities Trading Board.

Paliwanag ni Romero na isa ring ekonomista, ang naturang trading board ay maaaring gamitin para sa electronic trading ng mga agricultural products tulad ng bigas, gulay, isda at livestock.

Ito, aniya, ang nakikitang solusyon sa pagbabago ng bilang ng suplay, demand at presyo ng naturang mga bilihin sa ordinaryong panahon o panahon ng krisis.


Maaari, aniya, itong gamitin oras na humupa na ang krisis sa COVID-19.

Kasabay nito nanawagan rin si Romero sa Inter-Agency Task Force at sa ibang economic agencies na magpatupad ng staggered o pautay-utay na paniningil ng utang.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyo o yung mga MSMEs na makabawi sa nawalang kita bunsod ng enhance community quarantine at mapanatili ang kanilang original workforce.

Facebook Comments