Farm Manager, Sinaksak ng Tauhan!

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang farm manager matapos itong saksakin ng mismong tauhan sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, sinabi ni Police Sergeant Ferdinand Guzman, imbestigador ng PNP Cauayan City, habang nagha-harvest ng mga alagang manok ang biktima at farm manager na kinilalang si Roberto Tabadero ay nakita nito na sinisipa at ibinabato lamang ng kanyang tauhan na si Jocel Bara ang kanilang mga alagang manok.

Sinita ng biktima ang suspek ngunit tahimik lamang umano itong umalis at nang bumalik ito ay may dalang patalim at biglang inundayan ng saksak ang biktima.


Nagtamo ng saksak sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan para sa karampatang lunas.

Ang suspek na taga Bucaneg, Palanan, Isabela ay nasa himpilan na ng pulisya at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments