FARM PRODUCTIVITY | Suporta sa mga magsasaka sa buong bansa tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin at ginagawa ng Administrasyong Duterte ang lahat para mapangalagaan ang kapakanan mga magsasaka sa buong bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa pamamahagi ng certificate of land ownership awards sa mga magsasaka sa Provincial Capitol Gym ng Sultan Cudarat ay sinabi ng Pangulo na kailangang magtulungan ang mga magsasaka at ang buong pamahalaan para sa food security ng bansa.

Sinabi din naman ni Pangulong Duterte na kailangang magkaroon ng Corp insurance ang mga magsasaka at mabigyan ng production at post-harvest training para mapalaki pa ang production ng mga magsasaka.


Isa din aniyang malaking tulong sa mga magsasaka ay mabigyan ang mga ito ng access sa credit o pautang para mas magkaroon ng oportunidad na lumaki ang mga ito.

Inatasan din naman ni Pangulong Duterte ang Department of Agriculture at iba pang tanggapan ng Pamahalaan na gawin ang mga dapat gawin para mapalaki ang farm productivity at mapababa ang farm expenses at pangalagaan ang mga farmers sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa.

Facebook Comments