FARM SCHOOL SA CAGAYAN, PINARANGALAN NI PANG. MARCOS

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng prestihiyosong parangal sa Malacañang Palace ang itinatag na Farm School ni Cagayan Gov. Manuel Mamba.

Mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang naggawad ng “Presidential Recognition for Outstanding Development Partners on Enhancing Management and Labor Capacities”.

Ang nasabing pagkilala ay dahil sa kontribusyon ng Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan na itinatag ni Gov. Mamba sa mga MSME’s sa naturang probinsya, gayundin sa mga lokal na magsasaka.


Sa katunayan, ang nabanggit na farm school ay ang kaunaunahang Department of Tourism-Accredited Provincial LGU-owned farm site sa buong Rehiyon Dos.

Samantala, sa ngayon ay nasa libu-libong magsasaka na ang kabilang sa naturang programa na kinabibilangan ng mga kabataan at mga kababaihan, na nagnanais na magtayo ng maliit na negosyo upang pagkakitaan.

Facebook Comments