Farm Worker Nagbigti, Patay!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa poultry farm na pinagtatrabahuan nito sa Brgy. San Antonio Minit, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roberto Aguot, 29 anyos, walang asawa, residente ng Sicalao, Lasam, Cagayan.

Sa inisyal na impormasyong natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadiskubre na lamang ni Jeffrey Tamuradi dakong alas 10:00 ng umaga kahapon ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakasabit sa steel truss ng gusaling pinagtratrabahuan nito gamit ang isang lubid.


Ayon sa mga kasamahan ng biktima, na-depress umano ang biktima matapos na m a-deny ang kanyang Visa na makapagtrabaho sana sa abroad.

Nabatid na una nang tinangkang magbigti ng biktima nitong ika-2 ng Setyembre subalit napigilan lamang ito ng mga nakakita.

Facebook Comments