FARMERS ASSOCIATIONS SA SAN FERNANDO, NAKATANGGAP NG MACHINERY AT FERTILIZERS

Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng 10 farming machines, fertilizers, at soil ameliorants sa limang Farmers Associations sa pamamagitan ng Office of the City Agriculture (AGR) ng San Fernando City, La Union.
Limang (5) rice threshers ang ipinamahagi sa Farmers Associations of Barangays Namtutan, Apaleng, Cabarsican, Baraoas, at Lowland Tobacco Farmers Association.
Samantala, limang (5) 4-wheel tractors ang itinurn-over sa Upland Tobacco Farmers Association, Biday Farmers Association, Cadaclan Farmers Association, Nagyubuyuban Tobacco Farmers Association, at Dallangayan Este Farmers Association.

Ang proyektong ay naglalayong pataasin ang produksyon at kita ng mga magsasaka at para suportahan ang farm mechanization program sa lungsod.
Pinadali rin ng AGR ang pamamahagi ng bio fertilizers at soil ameliorants mula sa Provincial Agriculture Office na nakinabang sa 47 agricultural barangays sa lungsod.
Patuloy naman ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando sa sektor ng agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments