CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) at DA Employees Association (DAEA) sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Isabela na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Sa relief operation na isinagawa, nasa kabuuang 1, 584 relief packs na naglalaman ng bigas, canned goods, noodles, kape, at asukal ang ipinamahagi ng ahensya.
Ipinamamahagi ang mga ito sa bayan ng Jones, San Agustin, Ramon, Cordon, Lungsod ng Santiago, Angadanan, at Alicia.
Una nang isinagawa ang nasabing operasyon sa Probinsya ng Cagayan, kung saan libu-libo ring magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments