Farmers Congress sa Jones Isabela, Isinagawa!

Jones, Isabela – Naging matagumpay ang isinagawang Farmers Congress sa bayan ng Jones Isabela kahapon na pinangunahan nina Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano, ilang kongresista at mga Department Heads ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station na nakiisa rin ang lahat ng opisyal sa bayan Jones sa pangunguna ng kanilang punong bayan at dinaluhan ng mahigit kumulang sa isang libong katao  na isinagawa mismo sa Sports Complex sa bayan ng Jones, Isabela.

Aniya, marami ang nabigyan ng libreng gamot at serbisyong Medical, Dental and Optical Mission sa ilalim ng Farmers Congress.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Pascua na nabigyan din ng halagang dalawang daang libong piso ang bawat barangay para sa mga itatayong proyekto na makakapagbigay ng karagdagang serbisyo sa taong bayan ng Jones.

Facebook Comments