Tumaas ang average farmgate price ng palay sa unang buwan ng 2024.
Batay sa Philippine Statistics Authority, tumaas sa ₱25.08 ang kada kilo ng palay.
Mas mataas ito ng 9.6% kung ikukumpara sa P22.89 kada kilo na palay farmgate price noong Disyembre ng 2023.
Mas mataas din ito ng 41.4% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa ₱17.74 kada kilo.
Ang Region 1 o Ilocos Region ang may pinakamataas na farmgate price ng palay na umabot sa ₱28.97 ang kada kilo.
Habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Eastern Visayas sa ₱19.31 kada kilo.
Ayon sa PSA, lahat ng rehiyon ay nagtala ng positibong year-on-year growth rates nitong enero.
Batay naman sa monitoring ng bantay presyo, patuloy nang namo-monitor ang pagbaba ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Mayroon nang mabibiling P45 na kada kilo sa well-milled rice habang ₱50 naman ang pinakamura sa premium rice.