Sunday, January 18, 2026

Farmgate price ng palay sa bansa, tumaas!

Tumaas ang average na farmgate price ng palay sa bansa nitong Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sumipa ng 2.3 % o P17.70 ang kada kilo ng palay mula sa P17.62 sa kaparehong panahon noong 2021.

Ibig sabihin din nito, pumalo sa P17.35 ang average ng presyo ng bigas sa ikalawang- kwarter ng taon.

Dagdag pa ng PSA, sa 16 na rehiyong nagpo-produce ng bigas ay 14 ang nakitaan ng pagtaas na nakatulong sa overall na year-to-year growth sa bansa.

Facebook Comments