Farmgate price ng palay, tumaas nitong buwan ng Marso ayon sa PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang average farmgate price ng palay sa ₱18.57 kada kilo noong Marso.

Ayon sa PSA, mas mataas ito ng 2.1% kung ikukumpara sa ₱18.19 kada kilo na palay farmgate price noong Pebrero at mas mataas rin ng 6.5% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa ₱17.43 kada kilo.

Paliwanag ng PSA sa mga rehiyon naman, ang Region 1 ang may pinakamataas na farmgate price ng palay na umabot sa ₱20.83 ang kada kilo.


Habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Eastern Visayas sa ₱16.49 kada kilo.

Ayon pa sa PSA, lahat ng rehiyon ay nagtala ng positibong year-on-year growth rates noong Marso sa Region I o Ilocos Region, naitalang pinakamataas na annual increase na nasa 11.6 percent habang ang Region X o Northern Mindanao, naitalang pinakamababa year-on-year increment na nasa 0.5 percent.

Facebook Comments