FASHION DESIGNER RIAN FERNANDEZ, PORMAL NANG TINANGGAP ANG PARANGAL MULA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Pormal nang tinanggap ni Rian Fernandez ang parangal o Plaque Resolution mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ngayong araw ika-13 ng Pebrero.
Sa ilalim ng Provincial Resolution No. 7-2023 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan nito lamang ika-23 ng Enero.
Matatandaang na si Rian ang gumawa ng gown ni Miss Universe 2022 winner na si R’Bonney Gabriel na isang half-Filipina.

Ayon sa resolusyon na iniakda nina SP Members Rosary Gracia Perez-Tababa at Nicholi Jan Louie Sison ay kinikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga achievements o nagawa ng mga Pangasinense sa mga mahalagang serbisyo para sa mamamayang Pilipino at kapuri -puring kontribusyon sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments