Fast food chain na Jollibee Foods Corporation, iniimbestigahan na ang insidente ng “fried towel” sa isa nilang branch sa Bonifacio Global City

962

Isasarado ng fast food chain na Jollibee Foods Corporation ang kanilang branch sa Bonifacio Global City sa loob ng tatlong araw.

Ito ay matapos na mag-viral ang isang social media post kung saan isang fried towel sa halip na manok ang dumating sa inorder ng nag-post na si Alique Perez mula sa nasabing fast food chain.


Ayon kay Perez, napansin nilang mahirap hiwain ang sinasabing manok at dito na nila napag-alaman na isang tuwalya pala na binalot ng breading at ipinrito ang dumating sa kanila.

Sa ngayon ayon sa pamunuan ng fast food chain, nagkaroon na rin sila ng imbestigasyon at magsasagawa sila ng retraining sa mga personnel.

Facebook Comments