Fast food chain, pinagbabayad ng P1.2-M na danyos ng korte

Nagpalabas ng writ of execution ang Makati City Regional Trial Court kung saan pinagbabayad ng P1.2 milyon na danyos ang food chain giant na McDonalds sa L.C. Big Mak Burger makaraang ibasura ng Korte Suprema ang indirect contempt charges na isinampa ng McDonald laban sa Big Mak.

Inatasan ni Makati RTC Branch 59 acting presiding judge Rosario Ester Orda-Caise ang sheriff nitong si Maximo Mabute upang ipatupad ang writ of execution.

Ibinasura ng SC ang mosyon ng McDonalds makaraang paboran ng High Tribunal ang L.C. Big Mak at si Francis Dy sa kanyang petition for certiorari hinggil sa Court of Appeals decision noong February 2, 2017 na nag-reverse sa Makati-RTC decision noong April 7, 2014.


Kaugnay ito nang isinampang indirect contempt ng McDonalds laban sa Big Mak matapos patuloy na gamitin ng local burger company ang Big Mak na ginaya sa kanilang produkto na Big Mak sa kabila ng naging kautusan ng korte.

Ibinasura ng Makati-RTC ang naging kaso ng McDonalds laban sa L.C. Big Mak at kay Francis Dy at sa halip ay inatasan pa ang food chain na magbayad ng P1.2 milyong moral, exemplary damages at attorney’s fee sa L.C. Big Mak Burger Inc. at kay ginoong Dy hanggang iapela nito sa Court of Appeals at binaligtad ang naunang desisyon ng RTC.

Naghain naman ng petition for certiorari sa SC ang L.C Big Mak hanggang sa paboran nito sa 13-page decision na isinulat ni Associate Justice Noel Tijam ang 2014 decision ng Makati-RTC na nagbabasura sa contempt charges ng McDonalds at iniutos ang pagbabayad ng P1.2 milyong danyos.

Facebook Comments