FAST FOOD CREW SA BAYAN NG MANAOAG, PATAY SA AKSIDENTE

Patay ang isang bente anyos na fastfood crew member matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Manaoag.
Ang biktima ay nakilalang si Mark Justine Lapira, residente ng Brgy. pugaro sa nasabing bayan.
Naganap ang aksidente pasado alauna ng madaling araw sa Brgy. Pao kung saan ay sakay ng kanyang motor ang biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela ng motor nito dahilan upang tumama sa signboard sa lugar at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay ito habang binibigyan ng paunang lunas. |ifmnews
Facebook Comments