Fast tracking sa P1-B na halaga ng construction sa pasilidad para sa mga PDL, ipinag-utos na ng BuCor Chief

Mahigpit ang utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na i-fast tract ang P1 billion na halaga ng construction sa mga pasilidad para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sinabi ni Catapang na nasa tatlo sa apat na proyekto na sinimulan noong mga nakaraang administrasyon na matatapos sana noong 2022 ang hindi pa natatapos hanggang ngayon.

Kabilang na rito ang BuCor Regional Facility (Lot 1) o ang Davao Prison and Penal Farm na nagkakahalaga ng P299,896,572 at sinimulan noong December 4, 2020 na magtatapos sana noong nakaraang taon pero ang completion rate pa lamang ay nasa 84.77 percent.


Kasama pa rito ang Design and Build ng BuCor Regional Facility (Lot 2) sa Iwahig Prison and Penal Farm, Puerto Princess, Palawan na nagkakahalaga ng P299,634,408 at sinimulan noong October 2020 na may target completion date na September 30, 2022 pero nasa 77.34 percent pa lamang ang natatapos.

Maging ang design and build ng BuCor Regional Facility (Lot 3) sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte na may halagang P299,664,594 na sinumulan noong October 2020 at magtatapos sana noong December 10, 2022 ay nasa 49.73 percent completion lamang noong March 2023.

Panghuli rito ang rehabilitasyon ng iba’t ibang dorm at administration building ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City at isang palapag na dorm building ng San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga na nagkakahalaga ng P85,861,234.36 na sinimulan noong January 19, 2021 at magtatapos sa Disyembre pero nasa 69 percent pa lang ang natatapos noong Mayo.

Facebook Comments