Father Arnel Lagarejos, pinayuhan ng isang obispo na magpakalayo layo na muna

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Archbishop emeritus Oscar Cruz, dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP, si Father Arnel Lagarejos na magpakalayo layo na lamang.

Ginawa ni Archbishop Oscar Cruz Lagarejos ang pahayag makaraang masangkot ito sa tangkang pagkuha ng serbisyo ng 13 anyos na menor de edad sa Marikina City.

Ipinaaliwanag ni Archbishop Cruz na bagaman iimbestigahan pa lamang ng ” ecclesiastical tribunal” ng Simbahang Katolika si Lagarejos, nagdulot na ito ng malaking iskandalo sa simbahan.


Tiyak din aniya na makararating si Roma o sa tanggapan ng Santo Papà ang kontrobersiya sa 55 anyos na pari.

Sakaling mapatunayan na nagkasala si Father Lagarejos, sinabi ni Archbishop Cruz na tiyak na ang pagkaalis ng kanyang bokasyon sa pagpapari.

Bahala na rin aniya ito kung maging exkomunikado sa Simbahang Katolika sanhi ng kanyang ginawa.

Gayunman, muling umapela si Archbishop Cruz sa mga mananampalataya na huwag mawalan ng pananalig sa Diyos.

Facebook Comments