FATHER’S DAY | LRT 2, magbibigay ng libreng gupit at massage service sa lahat ng mga pasaherong tatay sa Linggo

Manila, Philippines – Good news para sa mga haligi ng tahanan. may treat ang pamunuan ng LRT-2 para sa pagdiriwang ng Father’s Day sa Linggo, June 17.

Magbibigay kasi ang LRT-2 ng libreng gupit at massage service sa lahat ng mga pasaherong tatay sa nasabing petsa.

Ang mga libreng serbisyo ay maaring i-avail sa Santolan at Cubao Stations ng LRT-2 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa Linggo.


Katuwang ng LRT-2 sa naturang proyekto ang TESDA at Smart Association Of Blind Reflexologists.

Facebook Comments