FATHER’S DAY | LRT may handog na libreng masahe at gupit sa mga tatay bukas

Manila, Philippines – Kasabay nang pagdiriwang ng Father’s Day bukas June 17.

Magkakaloob ang pamunuan ng Light Rail Transit Line-2 (LRT-2) ng libreng masahe at gupit sa mga tatay.

Ayon sa DOTr, magtungo lamang sa Cubao o Santolan station ng LRT-2 mula 8am hanggang 12noon ang mga haligi ng tahanan para sa libreng gupit at masahe.


Paalala ng DOTr first come, first served basis kaya at dapat agahan ng mga tatay ang pagpunta.

Ang munting regalo ay bilang pagsaludo sa lahat ng mga tatay sa buong mundo.

Facebook Comments