Manila, Philippines – Inireklamo ng ilang Pilipinong user o may account sa Facebook ang nangyaring server outage nitong Martes ng gabi, November 20.
Ang mga netizens na naapektuhan ng Facebook outage at inilahad ang kanilang hinaing sa twitter na may hashtag #facebookdown.
Base sa website na downdetector.com, kabilang ang Pilipinas sa mga naapektuhan ng programa, kasama ang Australia, Japan, Malaysia, Taiwan, Estados Unidos at Hong Kong.
Sa statement ng Facebook, batid nilang nahirapan ang ilang users na i-access ang kanilang Facebook related apps.
Bukod sa Facebook, naapektuhan din ng outage ang instagram at what’s app.
Paliwanag ng social media company, nagkaroon ng bug sa kanilang server kaya nangyari ang problema.
Agad namang naresolba ng Facebook ang isyu at humingi sila ng paumanhin sa mga naabala.
Nakatakdang ilabas ng FB ang data kung ilang users ang naapektuhan ng outage.