FBI, nagtungo sa Zamboanga del Norte para kausapin ang pamilya ng asawa ng amerikanong dinukot sa lugar

Nagtungo sa Zamboanga del Norte ang mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, ito ay upang kausapin ang asawa at pamilya nito hinggil sa nangyaring pagdukot sa isang American national na si Elliot Eastman na tinangay ng mga armadong kalalakihan noong Oct. 17, 2024.

Ani Fajardo, coordinated ang nasabing pagtungo ng mga kinatawan ng FBI sa mga awtoridad maging sa LGU ng Zamboanga del Norte.


Aniya, humingi lang din ng update ang FBI sa mga awtoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtangay kay Eastman.

Paliwanag pa ni Fajardo, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpunta dito sa Pilipinas ang FBI at ganon din aniya ang ginagawa ng PNP o NBI kapag may kasong tinututukan kung saan nakikipagtulungan sila sa foreign counterpart.

Una nang sinabi ng PNP na mayroon na silang dalawang persons of interest sa pagdukot kay Eastman at kanilang inaalam kung may kaugnayan ang mga ito sa local terrorist group.

Facebook Comments