FBI, sumali na sa imbestigasyon sa pagsabog sa Beirut, Lebanon

Tumulong na ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naganap na malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon nitong ika-4 ng Agosto.

Ayon kay David Hale, US Ambassador to Lebanon, makakasama ng FBI ang mga International Investigators para magkaroon ng linaw sa tunay na sanhi ng pagsabog.

Tiniyak din ng mga otoridad sa Lebanon na magiging mahigpit ang kanilang isasagawang imbestigasyon sa nangyari.


Tumanggi naman si Lebanese President Michel Aoun sa international investigation at sinabing nagsasayang lang ang mga ito ng panahon.

Matatandaang higit 170 katao na ang nasawi sa pagsabog at libo-libo ang sugatan.

Facebook Comments